Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpositibo aprub bumoto – Comelec

0 88

Tiniyak ni Comelec Spokesperson James Jimenez na makakaboto pa rin sa 2022 national elections ang mga positibo sa COVID-19 o may sintomas nito.

Sa online forum ng House Committee on People’s Participation kaugnay sa paghahanda ng ligtas na 2022 elections, sinabi ni Jimenez, na sa araw ng halalan ay papayagang makaboto ang mga COVID-19 positive o may sintomas nito ngunit nakahiwalay umano ang polling precinct bilang pagsunod pa rin sa health at safety protocols.

Sa ganitong paraan umano ay ma-i-exercise pa rin ng mga maysakit ang kanilang “right of suffrage” dahil hindi naman dinidiskwalipika ng pagkakaroon ng COVID ang karapatang bumoto ng mga tao. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.