Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagpositibo sa Tuguegarao sumirit, mga residente pinag-ingat

0 120

Mag-ingat at sumunod sa mga alituntunin para maiwasan ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang paalala ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa kanyang nasasakupan sabay payong sumunod sa mga habilin ng Tuguegarao City local government unit (LGU).

Nilarawan niya ang ‘walang tigil’ na pagdami ng mga dinapuan ng COVID-19 lalo na sa kanilang lungsod.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng alkalde, ayon sa datos ng LGU, umakyat nang bahagya sa 217 ang aktibong kaso sa lungsod dahil nakapagtala ng 30 kaso ng COVID-19. May 13 namang gumaling habang may dalawang naiulat na nasawi.

Dahil sa mistulang ‘see-saw’ na kalagayan sa mga kaso, napag-usapan ng COVID team ang mas istriktong pagpapatupad ng health protocols sa mga checkpoint papasok ng Tuguegarao mula sa ibang lugar. Hindi maaaring ipatupad ang lockdown sa lungsod, ayon sa alkalde, dahil ito ay kabesera ng rehiyon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.