Abante Tonite Interactive

Nagrebelde nang malaman na ampon

590

Magandang morning sa inyong lahat.

I’m Cheenee from San Pedro, Laguna. Gusto ko lang itsismis itong neighbor kong si Lordy na nagrebelde after niyang ma­laman na ampon pala siya.Naawa ho kasi ako dito kay Lordy ngayon parang napapariwara na ang buhay niya nang malaman niyang ampon pala siya at ngayon, ‘di niya pa rin alam ang tunay niyang parents.

Ganito po ang kuwento niya. Si Lordy, 16, masipag mag-aaral ‘yan, kaya lang medyo nagloko na nang may nagsabi sa kanya na hindi naman daw siya tunay na anak ng mommy and daddy niya ngayon.

Tinanong niya ang parents niya kung totoo at umamin naman sila. Kaya lang ayaw sabihin ng parents niya (Mr. and Mrs. Santos, both are doctors) kung sino ang tunay niyang parents. Doon na naguluhan ang isip nitong si Lordy.Kung dati-rati, nasa Top 5 siya sa class, ngayon wala na. Nagloko kasi, ‘di na siya ganoon kasipag mag-aral.

Lagi nang nababarkada at madalas nagka-cutting classes niya. Umiinom na nga rin daw. Pati ‘yung parents niya nga­yon na nag-ampon sa kanya, inaaway niya. Kasi raw ‘di nila sinasabi sa kanya ang tunay na parents niya.

Ang tsismis dito sa amin, mahirap lang daw ngayon ang parents ni Lordy at nakatira sa squatter malapit sa riles. Ayaw daw ng parents niya na mawalay siya sa kanila dahil siyempre baka mag-decide siya na doon siya mag-stay sa parents niya. Ang sabi, ang pangalan ng tunay na nanay ni Lordy ay si aling Tina, labandera ‘yun dito sa aming lugar. Naging ka­tulong pala siya ng tumatayong parents ni Lordy ngayon. Ilang araw pa lang daw nang ipina­nganak si Lordy noon, pinaampon na siya sa mag-asawang doktor na tumatayong parents ni Lordy ngayon.

Sa ngayon, ganoon pa rin si Lordy, tamad nang mag-aral at ang balita ko, mismong siya na rin ang nag-iimbestiga kung sino ang tunay niyang parents.

Ewan ko kina Dr. Santos kung bakit ‘di pa nila sinasabi ang tunay na mga magulang ni Lordy. Hanggang dito na lang at sana ay mabasa ito ni Lordy para makatulong naman sa kanyang paghahanap.

Ang inyong tagasubaybay,

Cheenee