Abante Tonite Interactive

Nagsampay sa live wire nakuryente

0 409

Todas ang isang lalaki matapos makuryente nang isampay ang kanyang damit sa live wire ng poste ng kuryente sa kanilang bakuran sa Brgy. Malinta, Lasam, Cagayan.

Kinilala ni Lasam Police Station chief Captain Antonio Palattao ang nasawi na si Franklin Allag, 29-anyos.

Nalaman sa imbestigasyon na isinampay ng biktima ang kanyang basang damit sa kable ng kuryente pagkatapos ay nagdilig ng halaman sa kanilang bakuran.

Ayon sa pulisya, maaaring hindi napansin ng biktima ang live wire na pinagsampayan ng damit at nahawakan niya ito na naging sanhi upang siya ay makuryente.

Nanginig ang biktima hanggang sa bumagsak sa lupa.

Agad itong dinala sa ospital idineklarang dead on arrival dahil sa mga tinamong 3rd degree burn.(Allan Bergonia)