Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagselos sa ka-chat ni misis, mister nagbigti

0 114

Dahil umano sa selos ay nagpakamatay ang isang mister sa Pagsanjan, Laguna, kamakalawa, matapos malaman na nakikipag-chat sa ibang lalaki ang kanyang misis.

Ang biktima ay 32-anyos at residente ng Barangay Lambac.

Batay sa ulat ng Pagsanjan Police, nadiskubre ng 29-anyos na misis ang bangkay ng asawa na nakabitin sa bahay ng kanyang kapatid na katabi lamang ng kanilang bahay, maghahatinggabi ng Sabado.

Sinasabing noong nakaraang dalawang araw ay nag-away ang mag-asawa matapos matuklasan ng mister na may ka-chat umano sa Messenger ang kanyang misis na ibang lalaki.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na mag-suicide.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.