Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagsosyo sa shabu, magdyowa sabay nakalaboso

0 161

Kulungan ang bagsak ng mag-live in at isang kasabwat nito matapos makumpiskahan ng umaabot sa 1130 gramo ng shabu sa buy bust operation, Lunes ng gabi sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang madyowang sina James at Diana, kapwa teenager at ang kasabwat nilang si Richard Madarang, 43-anyos, construction worker, ng Marikina City.

Inaresto ang mga suspek sa harap ng Goldstar Inn, sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal ng mga tauhan ng SOU4, PNP DEG, Rizal PIU at Cainta matapos makipagtransaksyon sa isang pulis na umaktong buyer para makabili ng droga.

Umaabot sa 1130 gramo ng shabu na nagkakahalagang P7,684,000.00 ang nasabat sa buy bust at P150, 000.00 boodle money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.