Abante Tonite Interactive

Nagsuka, nanghina pero Torres reyna sa duathlon

270

Namartida pa si Asian elite champion Monica Torres nang siluhin niya ang gintong medalya sa women’s duathlon sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 kahapon sa Subic Bay Boardwalk sa Zambales.

Sumalang na may nararamdamang sakit sa tiyan si Torres pero walang kahirap-hirap pa rin na kinahon ang ginto sa 10km run-40km bike-5km run sa itinalang dalawang oras, walong minuto at 44 segundo.

Nagsuka si Torres at bahagyang nawalan ng enerhiya pero ang nagpalakas sa kanya ay ang mga suporta ng mga Pinoy na nanood sa event.

“Expected ko na malakas yung bike ko pero naisuka ko lahat ng nutrition and gels ko, pero malaking tulong po yung mga tao na sumusuporta kaya inisip ko nalang na I will not let them down,” saad ni Torres.

Muling masisilayan si Torres sa mixed relay category sa Huwebes. (Elech Dawa)