Abante Tonite Interactive

Nagsusugal sa lamay pinatay

By
1,066

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang lalaki ang isang electrician habang naglalaro ito ng cara y cruz sa isang lamayan sa Quezon City nitong Huwebes nang gabi.

Namatay noon din dahil sa tinamong maraming tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Joseph Bilolo Rivera, binata at residente ng No. 13 Katarungan St., Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola ng Criminal Investigation and Detection Unit, base umano sa salaysay ng nakasaksing si Louie Caracas na nakikipaglamay din sa namatay na kapitbahay, naglalaro ng cara y cruz ang biktima sa labas nang dumating ang suspek.

Abante Hiring – IT dep

Nang makita si Rivera ay nilapitan ito ng suspek at malapitang pinagbabaril. Kahit duguan na ay nagawa pa umanong tumakbo ng biktima sa loob ng bahay pero sinundan pa ito ng suspek at pinagbabaril ulit.

Ayon kay Caracas, siniguro pa ng suspek na patay na si Rivera bago tumakas.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen at sa pagkakakilanlan ng suspek. (Dolly Cabreza)