Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagtagpo sa ulan, kelot pinugutan ng dating kaaway

0 86

Pinagtataga at pinu­gutan pa ng ulo ng isang lalaki ang dating kaaway matapos nilang magkita sa isang lugar sa kasagsagan ng ulan, Lunes ng gabi, sa Brgy. Tulapok, Margosa­tubig, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktimang si Roberto Arobillo, alyas ‘Nonoy’, 45-anyos, residen­te ng nasabing barangay habang tumakas subalit kalaunan ay sumuko rin ang suspek na si Orlando Remasug, 35, residente ng Brgy. Tipasan sa bayan ng Lapuyan.

Sa inisyal na ulat ng Margosatubig Municipal Police Station (MPS), na­ganap ang insidente alas- 6:45, kamakalawa ng gabi, nang kapwa nakisilong ang biktima at suspek sa bahay ng isang Rosendo Boniao dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Nang magkita ang dalawa ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa hugutin ng suspek ang kanyang itak at pagtatagain sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa nakuntento ay pinugutan pa umano ng ulo ni Remasug ang na­kahandusay na si Arobillo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek subalit kalaunan ay sumuko rin ito kay Viola Sayamba Remasog, kapitan ng Brgy. Tipasan, Lapuyan, Zamboanga del Sur, na si­yang nag-turnover sa nauna sa pulisya.

Lumalabas sa ulat ng pulisya na may dating alitan na sina Remasug at Arobillo.

Nakakulong na ang sus­pek sa Margosatubig MPS habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.