Abante Tonite Interactive

Nagtalo sa PGT

Angel pinaiyak ni Robin

By
5,248

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang judge ng Pilipinas Got Ta­lent na sina Robin Padilla at Angel Locsin dahil sa grupo ng mga babaeng contestant na sexy ang kasuotan.

Sa pagsisimula pa lamang ng ta­lent ng grupo, agad na pinindot ni Angel ang red buzzer.

Ang dahilan ni Angel: “Ako kasi parang hindi ko kaya na makita kayo na nagsasayaw na naka-underwear para lang sa ‘min. Masyado kayo magaganda at masyado niyo ‘tong pinaghirapan para gawin ‘yan. Kung may talent kayo, ‘yun ang ipakita niyo sa ‘min dahil ta­lent ang hinahanap namin dito, hindi katawan. Kaya ko kayo binuzz, ayaw kong ma-objectify kayo, masyado ako nagmamalasakit para sa inyo para i-go ko ‘to.”

Dito na nagsimulang magtanong si Robin kung may pumilit ba sa kanila na gawin ang talent.

Ani Robin: “Ginagawa niyo ba ‘yan dahil gusto niyo? O labag sa kalooban niyo? Isa-isa ha kasi mahalaga ‘to. Para mabura sa isipan nu’ng mga ibang judges na kayo’y napilitan o ano.”

Dito na nag-react si Angel ng: “Wala naman nag-iisip na napilitan, kuya Binoy.”

“Gusto niyo ba ‘yun na mga kalalakihan ay humahanga sa inyo?” tanong ni Robin sa grupo.

“Seryoso ka?” hirit ni Angel kay Robin.

Paliwanag ni Robin: “‘Yung sinasabi nila, magandang point ‘yun, si Angel lalo. Intindihin niyo si Angel kasi advocacy niya ‘yan, women’s rights. Kaya niya sinasabi ‘yan para proteksiyonan kayo. Sana maintindihan niyo ‘yan. Walang against sa inyo. Lahat ng sinabi dito pabor sa inyo.”

Paglilinaw ni Angel na: “Kuya, hindi lang naman kasi ‘yung damit ang problema pero kasi kailangan mong turuan ng awareness.”

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Robin at sinabing sumasang-ayon ito kay Angel.

“Pasensya ka na ‘tol, hindi kita kinontra, ‘tol. Hindi kita kinontra sa sinabi mo. Wala naman kumontra eh. Naniniwala kami ‘tol sa sinabi mo,” ani Robin. “Maganda ‘yung point mo doon, hanga ako sa ginawa mo.”

Nakatanggap ng botong ‘yes’ ang grupo kina Freddie Garcia at Robin samantalang ‘no’ kina Angel at Vice Ganda.