Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagtalo sa tubig, Lolo tinodas 2 Apo

0 312

PATAY ang isang 47-anyos na lalaki at nadamay ang kanyang pamangkin nang pagbabarilin ng kanilang lolo matapos na nagtalo dahil sa linya ng tubig sa Gen Trias City, Cavite, Sabado ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Gentri Doctors and Gentri Medical Hospital ang magtiyuhing sina Alberto Alcaraz y Javier at alias Yumiko, 15. Naaresto naman sa follow-up operation ang lolo nilang suspek na si Alfredo Javier, pawang mga taga-Bgry Jalavera, Gen Trias City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Jayson Olivar, ng Gen Trias City Police Station, alas-10:00 kamakalawa ng umaga nang magtungo ang suspek sa bahay ng mga biktima na nasa compound lang sa Brgy Jalavera.

Kinompronta umano ng suspek ang biktima hanggang sa magtalo na at pagbabarilin ng kalibre 45 Colt na baril ng suspek si Alberto.

Pitong bala ang ibinaon ng matanda sa kanyang apo kung saan nadamay ang apo pang si Yumiko na noo’y lumabas habang nagtatalo ang dalawa.

“Pinuntahan ng suspek ang biktima hinggil sa ibinaon na linya ng tubig na dumaan sa harapan ng kanyang bahay at ipinapatanggal ito” ayon kay Olivar.

Tumakas ang suspek pero sa follow up operation ng Manggahan COMPAC ay naaresto sa Brgy Panungyanan Gen Trias City sa tulong ni Brgy Captain Salazar at narekober ang ginamit na baril. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.