Abante Tonite Interactive

Nagtanggal ng bra: Anne pinatungan si Marco

1,349

Kinilig ang aming katawang lupa sa mainit na tambalan nina Anne Curtis at Marco Gumabao sa pelikulang “Just A Stranger” na napanood namin sa special preview nu’ng Sabado.

Grabe ang sexual chemistry nina Anne at Marco sa big screen. As in ang lakas ng kuryente!

Ang sarap-sarap ng mga lambingan, landian at harutan nila. At sobrang eye candy nila pareho kaya swak na swak sila physically bilang lovers na hot na hot sa isa’t isa.

Nagkakilala at nagkaroon ng one night stand sa Lisbon si Mae, unhappy wife na nagbabakasyon doon with friends, at si Jericho/Jekjek, unhappy son ng Philippine ambassador sa Portugal.

They are two unhappy, attractive people na parehong first time nag-cheat sa mga partner nila: si Mae sa older, rich businessman husband niyang si Phil (Edu Manzano) at si Jericho sa virgin girlfriend niyang si Febbie (Jas Hollingsworth).

‘Totoy’ ang tuksong tawag ni Anne sa mas batang si Marco sa movie at ‘tita’ naman ang pang-inis na tawag nito sa kanya.

19-anyos ang karakter dito ni Marco. In real life ay 9 years ang tanda sa kanya ni Anne, but in all fairness kay Curtis ay hindi siya kapanipaniwalang tawaging ‘tita’ dahil sobrang hot pa rin niya at papasa siyang kaedaran ni Marco.

‘Yung pa-bikini ni Anne sa Torre Beach kung saan una silang nag-meet ni Marco ay pak na pak ang kaseksihan niya, kaya maniniwala ka talagang hindi siya tatantanan nu’ng bagets.

‘Yung usapang free city tour sa Lisbon ay nauwi sa nagbabagang lampungan sa isang hotel. Patong kung patong si Anne kay Marco sabay tanggal ng bra nito.

May mabilis na pasilip ng kanyang maputi at makinis na puwet si Marco na very juicy at parang ang sarap kagatin.

Parehong playful ang mga karak­ter nina Anne at Marco na bagay sa kanila at hindi masagwang tingnan.

Nandiyang pisilin ni Anne ang puwet ni Marco habang busy ito sa pagiging museum guide at gantihan siya nito ng sundot, na nauwi sa mainit na momolan sa kotse na naudlot at nabitin.

Talap-talap ang laplapan ng dalawa na bongga ang tunog ng mga labi nilang nagpapangasan.

Bet na bet namin ang mga harutan at kilitian ng dalawa, na si Marco ay parang totoo ang panggigigil kay Anne habang hinahalik-halikan ito at inaamoy-amoy.

May eksenang kinagat niya ang likod ni Anne at nu’ng nasa bath tub sila pareho ay dinila-dilaan ni Marco ang balikat at likod ni Anne, kaya sabi ni Anne ay para raw itong pusa.

Yummylicious ang Marco sa pagiling-giling nito ala macho dancer. Nagchorvahan din sila sa kusina at aliw ‘yung kiyemeng kinurot ni Anne ang nota ni Marco.

Napakasu­werte ng first time leading man na si Marco dahil nasimsim niya talaga nang bongga si Anne sa dami ng intimate scenes nila rito.

Pero kahit ganu’n ay ang sarap nilang panoorin at hindi malaswa ang mga lam­bingan at lampungan nila. Totoo kasi ang dating at relatable, hindi kahalayan at kabastusan.

Guest role lang dito si Cherie Gil, pero ang lakas ng dating ng karakter nito na nakapukaw ng atensyon ng matandang dyowa ni Anne na si Edu.

Benta naman sa audience ang tsismosong pari na karakter ni Josef Elizalde na paulit-ulit pinagkukumpisalan ng nagi-guilty sa kanyang pakikiapid na si Anne.

For his first lead role ay pasable ang akting ni Marco at hindi maitatangging leading man material talaga siya. Mahal na mahal siya ng kamera dahil napakaguwapo niya sa screen.

May drama moment sila ni Anne na umiyak siya na parang paslit nang talakan at sigawan siya nito.

May mga eksenang beks na beks si Anne na sumu-sugar mommy o young matrona ang dating sa kanyang walang datung na bagets lover.

May pangabog na highlight si Anne sa bandang ending na tumodo siya ng arya, at in fairness ay naitawid naman niya ito nang bongga.

If only for Anne and Marco ay wish naming kumita ang R-16 Viva movie na “Just A Stranger” na sa Miyerkoles na ang showing in cinemas nationwide.

***
Kapuso primetime may switching

May ‘the switch’ na magaganap simula ngayong gabi, August 19, sa primetime shows ng GMA Telebabad.

Pagkatapos ng “24 Oras” ay patuloy ang mga kapana-pa­nabik na tagpo sa epic­seryeng “Sahaya” na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Ang magiging kasunod na nito ay ang well-loved series na “Love You Two” tampok sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion na magpapakilig sa inyong mga gabi.

Nasa pangatlong slot na ang umiigting na mga kaganapan sa “The Better Woman”.

Kaabang-abang ang mangyayari sa relasyon ng mag-asawang Jasmine (Andrea Torres) at Andrew (Derek Ramsay) ngayong buntis na ang kakambal ni Jasmine na si Juliet.

Kaya tutok lang sa GMA Telebabad simula sa “Sahaya”, “Love You Two” at “The Better Woman”!