Abante Tonite Interactive

Nagtanong ng direksyon, driver niratrat

457

Patay ang isang lalaking nagmamaneho ng van matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa bayan ng Tiaong, Quezon noong Biyernes.

Ayon sa Tiaong police, nagtatanong ng direksiyon sa mga tricycle driver sa Punzalan Highway, Brgy. Talisay, ang biktimang si Michael Baes, 40, residente ng bayan ng Candelaria, nang lapitan umano ng mga salarin at pinagbabaril ito, alas-4:20 ng madaling-araw.

Agad ding tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo ng krimen pero isa ang love triangle sa mga sinisilip na anggulo. (Ronilo Dagos)