Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nagtapon ng basura, tinadtad ng bala

0 95

Pinaulanan ng bala ng baril ng ‘riding-in-tandem’ ang 43-anyos na construction worker habang nagtatapon ng basura sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Batasan, Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Ang biktima ay si Dakila Nazareno, 43, walang asawa, construction worker, at taga-Brgy. Batasan Hills.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-9:10 ng gabi nang maganap ang pamamaril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pahayag ng pinsan ng biktima na si Michael James, lumabas lamang ng bahay si Dakila upang magtapon ng basura nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Agad lumabas ng bahay si Michael James at doon ay tumambad ang nakahandusay at duguan nang katawan ng biktima habang papatakas ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka.

Nasamsam sa crime scene ng SOCO na pinamumunuan ni PMaj Joseph Infante ang (10) fired cartridge cases at (4) deformed bullets. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.