Abante Tonite Interactive

Nagtatapon ng basura sa isla ng Boracay kakasuhan ng DENR

By
88

Inihahanda na ang kasong isasampa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), local government unit (LGU)-Kalibo at barangay council, laban sa mga iligal na nagtapon ng trak-trak na dumi mula sa septic tank sa isla ng Boracay.

Base sa ulat ni John Peter Madula, head enforcer ng Solid Waste Management Unit ng LGU-Kalibo, ang Boracay Island Water Company Treatment Plant, ang sewerage operator sa isla at hauling company na naghakot ng mga dumi ang kanilang kakasuhan.

Napag-alaman na itinapon umano ang mga sludge o putik malapit sa Aklan River na pinagkukunan ng tubig ng water district na dahilan ng pangamba ng mga residente na posibleng kumalat ang dumi mula sa isang pribadong lupa sa Sitio Guba, Barangay Tigayon, Kalibo, Aklan, kapag bumaha sa Kalibo.