Abante Tonite Interactive

Nagto-tong-its sa panaginip

776

Dear Dream Catcher,

Napanaginipan kong may hawak akong mga baraha, naglalaro raw ako ng tong-its. May mga kalaro ako at sa ­panaginip ko ay kilala ko sila pero ­paggising ko ay na-realize kong hindi ko naman ­kilala ang mga taong naging ­kalaro ko.

Iyon lang ang natandaan ko sa panaginip ko at hindi ko alam o hindi ko maalala kung nanalo ako o hindi. Ano ang ibig sabihin ng baraha sa panaginip?

Angelito

Dear Angelito,

Ang panaginip tungkol sa mga ­baraha ay indikasyon na kailangan mong ­mag-isip ng mabuting ­estratehiya sa isang ­bahagi ng buhay mo. Ang iyong panaginip na ­nakikipaglaro ka ng ­baraha sa mga taong ­hindi mo kilala ay konektado sa pakikipag-communicate mo sa harap ng ibang tao.

Kapag naglalaro ka ng tong-its hindi mo ­ipinapahalata sa mga taong kalaro mo kung anong hawak mong baraha. Ito rin ang sinisimbolo ng iyong panaginip: sa pakikipag-deal mo sa mga tao lalo na sa mga taong ­ngayon mo pa lamang nakakaharap, ­hindi mo dapat ibigay lahat. Huwag ka munang maging kumpiyansa.

Sabi nga, “never show all your cards” o “Play your cards right.”

Related Posts

Kung ang iyong panaginip ay ­mensahe ng iyong subconscious, sundin ito: ‘wag munang i-broadcast ang iyong mga plano upang hindi ka mabutata.

Kung natatandaan mo naman ang mga hinawakan mong baraha: ang ­Diamonds ay sumisimbolo sa pera at sa iyong kumpiyansa. Posibleng meron kang pinagdaraanang sitwasyon sa iyong ­aktuwal na buhay na may kinalaman sa pananalapi kung saan kailangan mong maging ma-ingat sa pagdedesisyon.

Kung ang mga card na hawak mo ay puso, may kinalaman ito sa relasyon at kung may hawak kang hari ng puso ay ­sumisimbolo ito sa isang lalaking may malaking ­impluwensya sa buhay mo.

Sa kabuuan, ang panaginip ­tungkol sa baraha ay konektado sa ­estratehiyang ­dapat mong gamitin sa anumang ­sitwasyon mo sa buhay.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM ­CATCHER ay nagbibigay ­lamang ng general information tungkol sa mga ­kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, ­kulto o anumang ispiritwal na ­aspeto ng buhay. Sa mga gustong ­isangguni ang ­kanilang panaginip, ­mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.