Abante Tonite Interactive

Nagwalwal: Dalaga ni-rape ng tropa

318

Mapait na karanasan ang sinapit ng isang dalaga sa kamay ng kanyang mga kabarkada matapos siyang halinhinang gahasain sa Malabon City, Linggo ng gabi.

Galit na galit ang ina ng biktima na itinago sa pangalang Merly, 21, nang magtungo ito sa himpilan ng pulisya para magsampa ng demanda.

Arestado sa follow-up operation ang tatlo sa apat na suspek na sina Carlo Severino at isang 10-anyos na lalaki, habang pinaghahanap pa ang nakatakas na si alyas ‘Monay’.

Sa salaysay ni Merly, alas-9:30 ng gabi, kainuman niya ang mga suspek sa bahay ni Carlo sa Brgy. Hulong Duhat, Malabon City.

Sa dami ng nainom, nalasing ang dalaga at nahiga sa sopa. Dahil may hitsura, naakit ang mga suspek sa alindog ng da­laga kaya halinhinan nila itong hinalay.

Bagaman masakit ang buong­ katawan, sinikap ni Merly na bumangon at umuwi ng bahay saka ipinagtapat sa ina ang sinapit mula sa kanyang tropa.

Kaagad na nagpunta sa police station ang ina ng dalaga at isa-isang dinampot ang mga suspek.

Kinasuhan ng rape ang apat samantalang ang 10-anyos nilang kasama ay dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Orlan Linde)