Abante Tonite Interactive

Nagwalwal, misis sinakal ni mister

494

Dahil sa umano’y pagkagumon sa alak, isang misis ang nasawi nang sakalin ito ng kanyang mister sa Sipalay City, Negros Occidental.

Sa nakalap na report, pag-uwi umano ng bahay nang ‘di na natukoy na pangalan ng ama ng tahanan ay dinatnan nitong lasing ang kabiyak.

Dahil sa lagi umanong pag-inom ng ginang ay nagalit ang esposo at sa gitna ng pagtatalo ay nagawang sakalin ng lalaki ang kanyang misis hanggang sa matagpuan na lamang kinabukasan na bangkay na ang huli.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek at matapos aminin ang ginawang krimen ay nahaharap ngayon ito sa kasong parricide.