Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nahirapan sa module nagbigti

0 259

Kinitil ng isang Grade 8 student ang sarili nitong buhay matapos umanong mahirapan sa module na Science subject sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Masusi na ngayong iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso ng 16-anyos na di na pinangalanang dalagita.

Sa report, base na rin sa panayam ng Bombo Radyo sa Butuan, sinabi ng lola ng nagpakamatay na estudyante na laging nagrereklamo ang dalagita dahil sa hirap ng pagsagot sa Science module.

Sinabi pa ng Lola na siyang tumatayong legal guardian ng biktima, hindi na ito nakapagsumite ng module sa Science activity na sa Lunes na sana ipapasa.

SM food to go Banner Ad

Kwento pa ng lola, hindi naman niya maturuan ang kanyang alaga dahil Grade 1 lang ang natapos niya.

Isinalaysay pa nitong bago natagpuang patay ang dalagita ay nagpunta pa ito sa kanilang sakahan bitbit ang alagang aso at laking gulat na lamang nila nang unang umuwi ang aso na wala nang tali.

Nang puntahan ang biktima sa kanilang sakahan, natagpuan na lang itong nakabitin na at wala ng buhay.

Magugunitang hindi lang ito ang unang insidente ng pagpapakamatay ng mga estudyante na nahihirapan sa module.

Ilan sa mga mag-aaral na napabalitang piniling kitilin na lang ang buhay ngayong buwan ay nangyari noong Oct. 6 sa South Cotabato mula sa 16-anyos, Oct. 7 sa Bohol, Oct 12 sa Negros Oriental mula naman sa 11-anyos. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.