Abante Tonite Interactive

Nahirapang umebak, preso tigbak

263

Namatay ang isang preso matapos makaramdam ng hirap sa pagbabawas habang nakakulong sa Custodial Center ng Bacoor City, Cavite.

Isinugod pa sa Las Piñas District Hospital si alyas ‘Four Flat’, 39, binata subalit namatay din ito habang ginagamot.

Sa ulat ni Pat. Jerome Asid, ng Bacoor City Police Station, alas-11:40 kamakalawa ng gabi nang makaramdam ng hirap sa pagbabawas si ‘Four Flat’ kaya isinugod sa ospital subalit hindi na naisalba pa ang kanyang buhay.

Inaresto at nakulong si ‘Four Flat’ nito lamang Enero 8 ng kasaluku­yang taon dahil sa paglabag sa Sec 11 ng RA 9165 o illegal drugs. (Gene ­Adsuara)