Nahiya! DepEd kinansela P4M pamaskong ham, keso

Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) nitong Sabado na kanilang kinansela ang pagbili ng mahigit P4 milyong halaga ng mga ham at keso na para sana sa Christmas party ng central office.
Pinaliwanag ng DepEd na hindi umano naaangkop na gawin ito ngayong may pandemya at nagkaroon pa ng magkakasunod na bagyo sa bansa.

Ayon sa DepEd, kinansela nila ang bidding para sa P4 milyong halaga ng ham at keso.
Una nang binatikos ang DepEd sa social media matapos mabunyag ang plano nitong pagbili ng milyong halaga ng ham at keso.
Inihayag naman ng DepEd na kanilang gagamitin na lamang ang pondo para sa mga sinalanta ng magkasunod na bagyong `Rolly’ at `Ulysses’ gayundin sa mga ginagawang hakbang laban sa COVID-19 para sa kanilang mga empleyado.