Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nahuli-cam na ambassador inupakan sa Senado

0 378

Kahihiya-hiya umano ang ginawang pagmaltrato ng Philippine Ambassador sa Brazil sa isang Pinay domestic worker sa naturang bansa.

Ito ang pahayag ni Senador Joel Villanueva, chair ng Senate labor committee, kasabay nang panawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na madaliin ang pagsisiyasat kay Ambbasador Marichu Mauro na nakita sa video footage na minamaltrato ang kanyang Pinay na kasambahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Embahada po natin dapat ang nangangalaga sa mga kababayan natin sa labas ng bansa. Paano pa po magtitiwala ang mga kababayan natin kung mismong ambassador ang abusado?” ani Villanueva.

“Mariin po nating kinukundena ang insidenteng ito at hinihiling natin sa pamunuan ng DFA na imbestigahan ang ating ambassador sa Brazil,” saad pa nito sa isang statement.

Sabi ni Villanueva, magsilbi rin sanang babala ang insidente sa diplomatic service dahil bilang kinatawan ng bansa sa ibang bayan, sila ang dapat poprotekta sa kanyang mga kababayan sa labas ng bakuran ng bansa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.