Abante Tonite Interactive

Nahulog na pagkain sa putik pinalunok kay Nash

591

Isa rin si Nash Aguas sa mga kasamahan ni Gerald Anderson na sumailalim sa tatlong araw na training sa Scout Ran-gers para maging reservist ng Philippine Army.

Sa mahabang Instagram post ni Nash ay ibinahagi niya ang hirap na dinaanan sa training na maaawa ka naman sa kanya lalo’t alam mong hindi naman siya sanay sa hirap.

“MAHIRAP is an understatement to describe the training both physically and mentally,” bungad ni Nash sa kanyang post.

“Physically mahirap dahil sa mga physical training tulad ng mag rappel ka sa 40ft tower, mag marcha ka sa bundok ng may 15kg na bag plus rifle, patrolling (simulation ng engkwentro sa kalaban) etc. Ang pinaka pahinga mo yung Mase-mase (military exercise) at tusok ulo,” paglalarawan ng young actor sa mga hirap na dinaanan.

“Mentally mahirap dahil swerte ka na pag may dalawang oras na tulog ka, matutulog ka sa putik habang umuulan, paparusahan ka kahit wala kang kasalanan, nung nilagnat ako ang sagot Mase-mase, kumakain kami ng sampung bilang ng nakadapa, tapos nung nahulog yung pagkain ko sa putik pinakain sakin yun,” patuloy niya.

Muntik na raw siyang mag-quit sa unang gabi pa lang to the point na tumakas pa raw siya para makatawag sa bahay nila at magpapasundo na siya.

Pero dahil sa napakagandang paliwanag sa kanya ng kanilang Sarhento ay nalinawagan din naman ni Nash na ganu’n talaga ang buhay ng mga sundalo.

“Pag ikaw, nasa giyera, limited pagkain mo nalag-lag yung sayo, aarte ka at magpapakagutom? Pag pinutukan ka ng kalaban kailangan mo dumapa eh ang natapat sayo tae ng kalabaw, magpapabaril ka kasi kadiri?”

Kaya naman kinaya niya rin ang napakahirap na training at na-realize na ang mga sundalo raw talaga ang dapat na iniidolo ng mga tao at hindi silang mga artista.

“Hindi po kaming mga artista ang dapat may fans, hindi po kami dapat iniidolo, kayo pong mga sundalo ang tunay na idol dahil sa panahon ngayon tayo mismong mga pilipino nag aaway away naghihilahan pababa,kayong mga sundalo ang may nag aalab na pagmamahal sa mga pilipino at sa ating bansa. Saludo po kami sa inyo,” pagtatapos ni Nash.

Gina namrublema sa mga artistang malalabo ang mata

Kaaliw ang kuwento ng direktor ng “Prima Donnas” na si Gina Alajar na namrublema siya sa tatlong young stars na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Elijah Alejo dahil malalabo raw ang mata ng mga ito na hindi nakikita ‘yung malalayo.

Kaya sa take, tinatanggal daw ng mga ito ang salamin dahil hindi naman puwedeng may salamin sa karakter nila kaya wala raw nakikita ang mga ito during the take.

Hindi rin daw sanay mag-contact lenses ang mga bagets dahil nga bata pa.
At nahihirapan daw umiyak ang mga ito kapag nakasuot ng contact lens.
Kaya sey ni direk Gina, sobrang challenge raw talaga. Although napakadali naman daw umiyak ng mga young stars at isang pitik lang ay tumutulo na ang luha.

“Walang problema sa iyakan talaga, isang pitik lang, isang kembot lang, meron nang luha,” sey ni direk Gina.

Kaya sa tuwing may iyakan scene ay tinatanggal daw ng tatlo ang contact lens at pagkatapos ng scene ay ibabalik ulit para may makita.

Ngayon daw, si Jillian ay nakakaiyak na kahit may contact lens dahil pina-practice raw nito sa bahay kaya puring-puri naman siya ng direktora.