Abante Tonite Interactive

Nahulog sa kanal

375

Dear Dream ­Catcher:

Napanaginip ko pong tumatakbo raw ako tapos pagliko sa may daan ay nahulog ako sa kanal. Ramdam na ramdam ko po ang pagbagsak ko at paggising ko ay parang naaamoy ko.pa ang tubig kanal.

Analiza

Dear Analiza:

Ang panaginip sa pagkahulog sa kanal ay isang negatibong ­panaginip.

Ang ganitong pa­naginip ay ­indikasyon ng mga aberyang pinagdaraanan o ­maaring pagdaanan sa buhay tulad ng problemang pinansyal.

Ang pagkahulog sa kanal ay sumisimbolo sa pagkalubog sa isang komplikado o masalimuot na sitwasyon.

Puwde rin itong may kinalaman sa mahirap na pagdedisisyon kung saan puwde kang magkamali.

Maaaring ­hindi pa nangyayari ang sitwasyon ito sa ­buhay mo pero may ­pangamba ka na ­puwde itong ­mangyari.

Sa halip na ­ikatakot ipagpasalamat ­nanabigyan ka ng iyong subconscious na mag-isip at ­timbangin ang nangyayari sa iyong buhay. May pagkakataon ka pang makaiwas kaya maging alerto sa mga susunod na araw.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pa­naginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.