Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nahulog sa tricycle pag-u turn: Nene nalasog sa bus

0 321

Malagim ang naging kamatayan ng isang 2-anyos na babae nang mahulog sa sinasakyang tricycle at masagasaan pa ng kasunod na bus kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang paslit na si Zhian Riackly Distor, 2, taga-Almeda St., Tondo dahil sa matinding pinsala sa ulo nito at katawan.

Arestado naman ang driver ng sinasakyan nitong tricycle na si Rico Gulura, 22, ng Interior 10, Tondo at ang driver ng Kia Granbird Bus na nakasagasa sa kanya na si Jimboy Anota, 42, ng Calamba, Laguna.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ika-7:36 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Yuseco St., kanto ng Almeda Street.

Sa imbestigasyon ni PSSg Adrian Paguian, sakay ang biktima ng isang tricycle at habang nagyu-U-turn ito ay bigla na lang itong nahulog at bumagsak sa kalsada.

Tiyempong parating ang bus na kasunod ng tricycle kaya hindi na nakapagpreno pa ang driver at tuluyang nasagasaan ang paslit. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.