Abante Tonite Interactive

NAIA handa sa pagdagsa ng pasahero ngayong summer

By
0 3,179

Tiniyak sa riding public ni Manila International Airport Authority (MIAA) Gene­ral Mana­ger Ed Monreal na dadaan sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) na handa na ito sa pag­dagsa ng mga pasahero ngayong ­summer.

Ayon kay Monreal na inaasahan ng MIAA ang “high volume of passengers” na tutungo sa mga tourist spot sa bansa.

Nananawagan ang opisyal sa mga local carrier na may mga domestic route na tiyakin na hindi magkakaroon ng mahabang pila ng mga pasahero sa kanilang mga check-in counter dahil sa kakulangan ng personnel o ang pagka-delay ng pagbukas ng kanilang counters.

“Summer is a fa­mily matter. So there are parents travelling with their children. We should think of them,” ani Monreal.

Kamakailan lamang nakumpleto ng MIAA ang pagpapalit ng mga depektibong “cooling coils” at paglalagay ng stand-alone air-condition units sa NAIA Ter­minal 3 para sa kombin­yente at relaxing atmosphere habang naghihintay ng kanilang flight ang mga pasahero ngayong summer season.

Pinaalalaha­nan ng airport chief ang AGM Security na masusing i- monitor ang taxi operations sa apat na passenger terminals.

“We want a happy ending for all summer getaways. One sorry experience with an abusive taxi driver can spoil everything,” dagdag pa ni Monreal.