Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NAIA human trafficking buking

0 151

Ni Nancy Carvajal

Patuloy pa rin umano ang iligal na aktibidad ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabila ng mga istriktong seguridad na ipinatutupad sa pangunahing paliparan ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Nabatid sa National Bureau of Investigation (NBI) na isang airport personnel ang naaresto at inirekomendang kasuhan dahil sa paglabag sa anti-human trafficking law.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Art Jedyrick Subido, nakatalaga umano bilang operations assistant sa NAIA Terminal 1.

Ayon sa NBI, inaresto si Subido matapos bigyan ng pekeng airport ID ang dalawang babaeng overseas Filipino worker (OFW) na patungong Middle East para makalusot ang mga ito sa security protocol.

Positibong itinuro umano ng dalawang OFW si Subido na siyang nagbigay sa kanila ng pekeng airport ID para magkaroon sila ng access sa Departure Security Restricted Area upang makasakay ng eroplano nang hindi na kinakailangang dumaan pa sa security.

Isinampa ng NBI ang kasong human trafficking laban sa suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Leave A Reply

Your email address will not be published.