Abante Tonite Interactive

NAIA isasara kapag dinamay ni ‘Ompong’ ang Metro Manila

By
0 445

Maaaring ipatigil ang mga flight operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals at ang Aerodrome kung makakaranas ng malakas na hangin sa paliparan dala ng super typhoon na si ‘Ompong.’

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Ge­neral Manager Ed Monreal, kapag umabot sa 35 knots crosswind (65 kph) ay delikadong lumipad at lumapag ang eroplano.

Nakipagpulong kahapon si Monreal sa mga miyembro ng Airline Operators Council (AOC) sa MIAA board room kung saan tina­lakay ang posibleng mangyari dahil sa paparating na super typhoon.

“We need your advance advisories regarding your planned cancelation or delay flight so we can disseminate the information to all passengers and employees who will be affected by the typhoon, “ani Monreal.

Idinagdag pa ni Monreal na mahigpit na ipa­tutupad ang ‘Passengers Bill of Rights’ kapag may airport closure upang hindi matulad ang sitwasyon noong Agosto 16 nang sumadsad sa runway ang Xiamen Airlines at nagdulot ng malaking perwisyo sa mga pasaherong na-delay ang flight.

Umapela din si Monreal sa AOC na maki­pag-ugnayan nang maaga sa MIAA sakaling mayroon silang gagawing mga recovery flight.

Sa 5:00 pm weather­ bulletin ng Pagasa kahapon, taglay ng bagyong Ompong ang hanging 205 kph at 225 kph na bugso ng hangin at kumikilos sa bilis na 20 kph. Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Sabado sa northern part ng Cagayan.

(