Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NAIA kinansela flight operation

0 196

Pansamantalang isasara sa loob ng 24 oras lahat ng flight operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula alas-10:00 ng umaga ngayong Linggo, November 1, hanggang alas-10:00 ng umaga sa Lunes, November 2.

Ginawa ito para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at mga airport personnel mula sa banta ng bagyong `Rolly’.

SM food to go Banner Ad

Ito’y matapos ang pag-uusap nitong Sabado ng hapon ng mga opisyal ng Airline Operators Council (AOC), Air Carriers Association of the Philippines (ACAP), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), PAGASA NAIA station, at Manila International Airport Authority (MIAA).

Pinayuhan ang mga pasahero na sa loob ng 24-oras ay sarado ang mga NAIA terminal kung kaya’t makabubuting huwag na silang magpunta sa airport sa panahong kanselado ang flight operation.

Hiniling din sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para malaman ang bagong flight schedule.

Leave A Reply

Your email address will not be published.