Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NAIA pinakapangit sa mga biyahero ng business class

0 82

Lumabas sa pag-aaral ng American luggage app na Bounce na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinakapangit umano na paliparan para sa mga pasahero ng business class.

Sa Business Class Index na inilabas ng Bounce, nakakuha lamang ang NAIA ng iskor na 0.88/10 para sa business class.

Kulelat ito sa 38 paliparan sa mundo na pinagkumpara.

Ang mga pinag-aralan ng Bounce sa naturang listahan ay ang bilang ng mga lounge, bilang ng destinasyon na pinupuntahan, percentage ng on-time flights at rating sa Skytrax.

“The main gateway to the Philippines, Manila’s airport was the worst scoring for three different categories: its number of destinations, on-time performance, and rating from Skytrax,” saad ng Bounce.

Ang NAIA ay may 101 destinasyon, 59.6% na on-time flights kada-taon at Skytrax rating na 3. Labing-apat naman ang mga lounge nito.

Nanguna naman sa listahan ang Haneda Airport sa Japan at Changi Airport sa Singapore. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.