Abante Tonite Interactive

Nainip sa COVID-19 test, senior nag-suicide

1,111

Hindi na umano hinintay ng isang negosyanteng senior citizen ang resulta ng isinagawang testing sa kanya para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos na magpakamatay ito sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City madaling-araw ng Biyernes.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSMS Marvin Masangkay ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-3:30 nang madaling-araw natagpuang wala nang buhay ang 72-anyos na biktima.

Ayon umano sa anak ng biktima, naglalaro siya sa computer sa kanyang kuwarto nang makarinig ng putok ng baril.

Agad siyang lumabas ng kuwarto at hinanap kung saan galing ang narinig na putok.

Pag-akyat umano niya sa kanilang roof deck ay tumambad sa kanya ang ama na duguang ang katawan at may tama ng bala sa dibdib nito.

Ayon sa anak ng biktima, sumailalim sa COVID-19 test ang kanyang ama matapos makaramdam ng sore throat.

Hnihinalang hindi na nahintay ng biktima ang resulta ng COVID-19 testing sa kanya at nagpasyang kitilin ang sariling buhay. (Dolly B. Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad