Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nairita sa mga kalabit ng multo

0 371

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, nakalabit na ba kayo ng multo?

Yan ang ating paksa ngayon. “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

May paniniwala ang mga matatanda na kapag nakurot ng multo, nag-iiwan ito ng bakas sa balat. Ang iba ay ayaw maniwala bagaman ang iba ay sila mismo ang nagsasabi na meron itong katotohanan.

Sensitibo sa enerhiya at mga nilalang na hindi nakikita si Roma ng Malabon kaya’t nasanay na rin siya sa mga ito. Pero lubos lang siyang naiinis kapag siya ay kinakalabit.

Misteryo: “Paano yung sinasabi mong kinakalabit ka ng multo? Nararamdaman mo sila?”

Roma: “Oo, yung kalabit nila ramdam ko parang tao kung kumalabit kasi nagugulat talaga ako.”

Misteryo: “Mga anong oras mo nararamdaman ang kanilang kalabit?”

Roma: “Kahit anong oras nararamdaman ko sila pero mas malakas kapag gabi hanggang madaling araw. May time matutulog na lang ako kinakalabit pa ako.”

Misteryo: “Kalabit lang ba? Hindi mo ba sila naririnig?”

Roma: “Paminsan-minsan lang nakakarinig ako ng boses nila pero karaniwan talaga kalabit o tulak…Oo itinutulak pa ako pag minsan.”

Misteryo: “Hindi ka ba sinasaktan? Kasi kapag nararamdaman mo kalabit nila meaning pwede ka din nila saktan.”

Roma: “Pero malakas ang pakiramdam ko kung talagang bad sila kaya natuto akong dumepensa.”

Misteryo: “Sabi mo naiinis ka kapag nangangalabit sila.”

Roma: “Oo kasi yun nga matutulog na lang ako kinakalabit pa ko. May time naglalakad lang ako o kaya nakasakay sa elevator, kinakalabit ako. Most of the time, nagagalit ako, namumura ko pa nga sila kasi ang kulit nila.”

Misteryo: “Sabi nila kaya nang-istorbo ang mga multo kasi kailangan nila ng tulong. Kaya karaniwan ang advice, ipagdasal sila.”

Roma: “Pag ramdam ko na kailangan nila ang prayer, ginagawa ko pero usually gusto lang magbiro, manakot o mangulet.”

Misteryo: “Pero sanay ka na sa kanila di ba? Hindi mo ba sila nakikita?”

Roma: “May time lang na nakikita ko sila pero hindi sa lahat ng oras.”

Kayo Ano ang gagawin niyo pag kinalabit kayo ng multo?”

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.