Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naka-5 PNP chief na wala pang body cam – Bato

0 91

Kinuwestiyon ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa ang napakabagal na pag-deliver ng body camera na gagamitin para sa mga operasyon ng Philippine National Police (PNP).

Sa pagdinig ng Senado ukol sa PNP modernization, inusisa ni Dela Rosa, dating PNP chief, ang mga opisyal nito hinggil sa estado ng pagbili ng naturang equipment.

“I was informed that these body-worn cameras are for delivery na sir. We will inform you on the status kapag na-deliver na,” pahayag ni Brigadier General Herminio Tadeo Jr.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit iginiit ni Dela Rosa na marami nang PNP chief ang nagdaan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naidi-deliver.

“Please expedite kasi panahon ko pa `yon. Pumasok si General [Oscar] Albayalde, sumunod si General [Archie] Gamboa, then General [Camilo Pancratius] Cascolan, and now General [Debold] Sinas. Nakalimang chief PNP na, hindi pa rin na-deliver. Please follow up,” sabi ni Dela Rosa.

“Gusto ko makakita ng legitimate anti-drug operation ng PNP na may suot na body-worn camera kasi [there] is big clamor coming from the public,” aniya pa.

Nauna nang sinabi ni dating PNP chief Cascolan sa budget hearing sa Senado noong Oktubre 2020 na 2,600 unit ng body camera ang nakatakdang i-deliver sa PNP. Gagamitin ang equipment sa mga anti-drug operation ng PNP. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.