Abante Tonite Interactive

Naka-check in sa 5-star hotel American Snatcher Timbog sa Cubao

568

Swak sa kulungan ang isang American citizen na naka-check in pa sa isang sikat na hotel makaraang manghablot ng bag sa Cubao, Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ng Cubao Police Station 7, ang suspek na si Keanen Akira Miyasato, 33, binata, driver, nakatira sa Hawaii at nanunuluyan sa Holiday Inn sa Pasay City.

Nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa harap ng isang drug store sa panulukan ng Aurora Boulevard at Gen. Aguinaldo Avenue sa Brgy. Socorro.

Ayon sa biktimang si Christopher Burgos, 51-anyos at insurance agent, naglalakad siya sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspek at hinablot ang kanyang sling bag.

Agad namang humingi ng saklolo ang biktima kaya nabi­gong makatakas ang suspek nang maaresto ng mga alertong guwardiya na nakilala lamang sa mga pangalang Chavez at SG Cloado.

Nabawi sa suspek ang sling bag na naglalaman ng pitaka at mga identification card ng biktima. (Dolly Cabreza)