Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naka-lockdown sa QC kumonti

0 51

Kasabay ng pagbagal ng hawaan ng COVID-19, unti-unti na ring nababawasan ang mga lugar na nasa Special Concern Lockdown sa Quezon City.

Ito ay base sa ulat ng City Epidemio­logy and Surveillance Unit (CESU) kasunod ng report ng OCTA Research Group na bu­maba sa 1.37 ang reproduction rate ng virus sa lungsod noong nakaraang linggo, mula sa dating 1.49.

Sinabi rin ng OCTA Research Group, ang QC na ngayon ang may naitalang pagbagal ng hawaan ng COVID-19 sa kabila na ito pa rin ang may malaking bilang ng kaso sa buong Metro Manila.

Sa ngayon ay nasa 55 na lamang ang lugar na naka-lockdown sa QC mula sa 69 noong nakaraang linggo.

Ayon sa QC Health Department, partikular na lugar na lamang ang naka-lockdown ngayon at hindi ang buong komunidad. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.