Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naka-LQ ang virtual GF, sarili binitin

0 290

Matapos maka-LQ ang GF at magkalabuan sa kanilang relasyon, tinangkang magpakamatay ng isang binata sa Silang, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Silang Specialist Medical Center ang 28-anyos na biktima.

Sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi, ng Silang Police Station, alas-5:00 kahapon ng umaga nang matuklasan ng kanyang lolo na nakabitin ang biktima sa kisame ng kanilang nipa hut.

Agad nitong pinutol ang tali at isinugod sa ospital ang apo kung saan nakaratay ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Legaspi, bago natuklasan ang tangkang pagpapakamatay ng biktima ay ilang araw na umanong napansin ng ina na matamlay ang biktima.

Wala na rin umanong kinakausap sa cellphone ang biktima kung saan lumilitaw na nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ng nobyang nakilala lang nito sa facebook.

“May nakilala siya sa facebook hanggang naging girlfriend niya pero nagkalabuan kaya niya dinamdam” ayon kay Legaspi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.