Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naka-P190M na! SMC tuloy ang libreng toll fee sa mga medical frontliner

0 333

Umaabot na sa P190.7 milyon ang inilibreng toll ng San Miguel Corp. sa mga medical frontliners simula ng nagka COVID19 pandemic dahil sa ipinatupad nitong “no toll fee” sa mga medical frontliners.

Ayon sa SMC, 10,401 na mga medical frontliners mula sa mga doctor, nars, laboratory technician at iba pang medical workers na ang nag-sign up sa programa nang mag-umpisa ang lockdown dahil sa COVID19.

Ang libreng toll ng SMC ay para sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway, Skyway, Skyway Stage 3, NAIA Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Sabi ni SMC president Ramon S. Ang, isang taon na ang nakalipas, nilalabanan pa rin natin ang COVID19 at muli na namang sinusugal ng healthcare workers ang kanilang buhay ngayong muling dumadami ang mga kaso.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nanawagan si Ang sa lahat na gawin ang kanilang magagawa para mabawasan ang hawahan sa bansa para hindi masagad ang healthcare workers.

“It really falls on our collective shoulders to reduce the strain on our medical frontliners and workers. We can all do our part and contribute. For us, its through this program and through our other initiatives that aim to keep our employees safe. Each of us can help out, just by following health protocols,” sabi ni Ang.

Aniya, hanggang hindi pa dumarating ang mga bakuna, kailangan ng bawat isa maging masigasig sa pag-aalaga ng kanilang kalusugan para hindi na lalong kumalat at bumilis ang pagbugso ng mga kaso ng bagong hawahan.

Alam na dapat ng lahat ang mga pag-iingat na kailangang gawin, aniya: magsuot ng mask at face shield at siguraduhing may distansiya sa ibang mga tao para malimita ang pagkalat ng sakit. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.