Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naka-quarantine na nurse timbog sa shabu

0 205

Isang lalaking nurse na sumasailalim sa 14 day quarantine sa isolation facility ang inaresto sa drug buy-bust sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ni Lt. Col. John Miridel Calinga, Midsayap police chief ang suspek na na si Julius Ceasar Dadero Duque. Inaresto siya nitong Martes ng hapon sa labas ng isang motel na nagsisilbing COVID-19 isolation center sa Brgy. Poblacion 6, Midsayap.

Nasamsam sa suspek ang hindi tinukoy na dami ng shabu at P500 marked money.

“Despite his being under quarantine, Duque still managed to sell shabu to illegal drug buyers,” ayon sa opisyal. Naka-quarantine ang suspek matapos itong mag-expose sa COVID-19 positive patient.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na isang linggong isinailalim sa surveillance ang suspek dahil sa umano’y patuloy na pagbebenta nito ng iligal na droga kahit nasa ilalim ng nasabing pasilidad.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.