Abante Tonite Interactive

Naka-shorts na ‘pulis’ dinakma

437

Nilinaw ng Makati City Police na hindi lehitimong pulis ang lalaki na nasa viral post sa social media na nakasuot ng kanilang uniporme at naka-shorts.

Ayon kay P/Maj. Gideon Ines, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch, nakilala ang nasabing la­laki na si Justino Jayamo at taga-Caloocan City.

Agad umanong pinahanap si Jayamo at nang matagpuan ay kinausap ng mga awtoridad, humi­ngi ito ng tawad sa nagawa at isinuko ang t-shirt na pang-pulis.

Hindi na kinasuhan si Jayamo at sa halip ay binigyan lamang ng warning­ o babala.

Paalala ng pulisya sa publiko, ipinagbabawal ang pagsusuot ng damit ng pulis, lalo na para sa mga kalokohan o paggawa ng krimen. (Armida Rico)