Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakagat ng ahas sa panaginip

0 358

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nanaginip na ba kayo na kinagat ng ahas? Sabi ng mga dream interpreter, delikado daw ito sa sinumang nakapanaginip nito.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Takut na takot nang magising si Ramil ng Tarlac dahil ramdam pa niya ang sakit ng kagat ng ahas sa kanyang braso. Para sa kanya totoo ang nangyari pero yun pala ay isang panaginip. Yan ang kanyang idinulog sa #Misteryo.

Misteryo: “Paano nangyari yun nang makagat ka sa panaginip? Anong kulay ng ahas? Anong ginagawa mo nung kagatin ka?”

Ramil: “Akala ko nga totoo nang nangyari yun? Naglalakad daw ako palabas ng isang malaking bahay na hindi pamilyar sa akin nang makita ko ang isang maputing ahas sa tabi. Siyempre, natakot agad ako.”

Misteryo: “Anong ginawa mo nung makita mo ang ahas? Hindi ka ba nakagalaw agad?

Ramil: “Huminto ako sa paglalakad, iniwasan kong matitigan ko siya kasi may paniwala na bigla silang manuklaw pag nagkasalubong kayo ng paningin kaya hindi ko siya tinignan.”

Misteryo: “So hindi ka gumalaw. Hindi mo rin siya tinignan. Paano ka niya tinuklaw?”

Related Posts

Ramil: “Nabigla ako ang bilis ng pangyayari. Paglingon ko sa kanya, nasa paanan ko na siya at yun biglang tuklaw sa braso ko.”

Misteryo: “Ang bilis pala ng pangyayari. Anong naramdaman mo pagkatuklaw sayo?”

Ramil: “Nagulat ako kaya gumalaw ako ng todo at tinuklaw pa niya ako hanggang sa magising ako.”

Misteryo: “Pagkagising mo Ano naramdaman mo?”

Ramil: “Takot ako kasi kahit gising na ako ramdam ko yung sakit. Hindi ko tuloy alam gagawin ko baka magkatotoo.”

Misteryo: “Natural lang na matakot ka sa panaginip mo pero mukhang babala sayo yan sa tunay na buhay. Mag-ingat sa makikita mong oportunidad na akala mo ay maganda yun pala, ibabagsak ka.”

Ramil: “Oo kaya nga nag-iingat ako sa decisions ko, baka ‘matuklaw’ ako.”

Karaniwan ang panaginip ay simboliko pero may iba na nagkakatotoo kaya kailangan lang mag-ingat. Pag may panaginip isulat sa dream journal at sumangguni sa eksperto.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.