Abante Tonite Interactive

Nakainom na rider sumalpok sa bus

0 163

Nasawi ang isang motorcycle rider habang suga­tan ang dalawang angkas nito nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa isang nakaparadang baby bus sa Rosario, Cavite.

Namatay habang gina­gamot sa Divine Grace Hospital ang biktimang si Dodge Crisostomo, 47, binata, habang inoobserbahan ang angkas nitong sina Jericho Gozales, 28, binata at Bernaldo Villaruel III, 30, binata, pawang taga-Brgy. Ligtong 3, Rosario Cavite dahil sa tinamong mga sugat.

Sa ulat ni P/Cpl. Lynard Pareja, ng Rosario Municipal Police Station, alas-11:25 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente. Binabagtas ng tatlo ang kahabaan ng Brgy. Bagbag 2, Rosario Cavite sakay ng isang Yamaha Aerox 150 na motorsiklo at minamaneho ng biktima nang pagsapit sa Marseilla Road ay sinalpok nila ang isang nakaparadang baby bus sa gilid ng kalsada.

Abante Hiring – IT dep

Sa lakas ng impact, tumilapon ang tatlo.
Ang tatlo ay sinasabing pawang nakainom at walang mga helmet habang nakamotorsiklo. (Gene Adsuara)