Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakainom na tinedyer hinigop ng dagat

0 274

PATAY ang isang binatilyo matapos malunod sa dagat sa may Barangay Baquioen, Sual, Pangasinan noong Biyernes.

Dahil menor-de-edad, ayon sa Sual Police Station (SPS), kinilala lamang ang biktima sa pangalang `Leo,’ 17-anyos, ng nasabing bayan.

Sinabi ng pulisya na ang biktima kasama ang ilang kaibigan ay nagkatuwaang pumunta sa Portuguese Beach Resort upang maligo.

Sa report, hindi alam ng tropa ng biktima na pumunta ito sa malalim na parte ng dagat at dahil sa underwater current, hinigop umano ang biktima pailalim.

Ayon kay Joy Fernandez, officer ng Sual Operations and Warning, narekober ang katawan ng biktima ilang oras matapos ang rescue operation.

Aniya, naitakbo pa ang biktima sa Sual Primary Care Facility ngunit dead-on-arrival na.

Napag-alaman na uminom ang biktima kasama ang ilang kaibigal ng alak bago pumunta ng dagat. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.