Abante Tonite Interactive

Nakakainggit sila

388

Dear Abante Tonite,
Nasusuklam ako sa tuwing nababasa ko ang mga balitang may kinalaman sa korapsyon o hindi kanais-nais na mga transaksyon sa ating pamahalaan. Dapat talagang ikagalit ito ng mga ordinaryong Pilipino na nagbabanat ng buto at nagbabayad ng buwis na awtomatikong kinakaltas sa aming suweldo.

Katulad na lamang ng mga report ng Commission on Audit sa mga tanggapan ng gobyerno na kanilang ino-audit kada taon.

Isang halimbawa ang lumabas kailan lang sa inyong pahayagan tungkol sa milyon-milyong pondo na pinambili ng LTO ng mga mamahaling cellphone at prepaid load para sa kanilang mga opisyal at empleyado. Nakakainggit naman sila, hi-tech ang gamit na cellphone na binili mula sa kaban ng bayan.

Related Posts

Kung walang COA report ay hindi na malalaman ito ng mga katulad naming ordinaryong mamamayan. Sila-sila na lang ang magkakaalaman at makikinabang.

Kaya nga po malaking bagay ito na mayroong sumi­siyasat sa financial report ng bawat tanggapan ng pamahalaan para malaman kung may nagaganap na iregularidad sa pondo ng bayan.

Hiling ko lang na kapag may nasisita dapat mayroon ding napaparusahan.
Iyon lang po at maraming salamat.
Emerita ng Pasay City