Abante Tonite Interactive

Nakakapanghina na may suicide bomber na Pinoy

0 221

Dear Abante Tonite,
Nanghihinayang ako sa buhay ni Norman Lasuca, ‘yung natukoy na suicide bomber sa pagsabog sa Jolo, Sulu kung saan may namatay na anim na katao. Ang bata pa niya para mangyari ang nakalulunos na trahedya na ‘to. Isipin mo 24 yrs. old, mas pinili ang magpakatamay para saan?? Para sa relihiyon? Pero, hindi naman ito tungkol sa paniniwala kundi sa terorismo. Kasi kung ang pinaniniwalaan mo ay nagtuturo na pumatay ng iba or patayin ang sarili, mas mabuti pa na maghanap ka na lamang ng ibang relihiyon.

Sabi nila, ang dahilan daw kaya naging terorista si Norman ay dahil ‘battered son’ daw ito, na sinasaktan paulit-ulit ng kanyang magulang kaya mas piniling iwan ang pamilya at umanib sa teroristang grupo.

Sa ganang akin, kung gusto mo sanang magsimula ng bagong buhay na malayo sa pananakit ng mga taong iti­nuring mong pamilya, sana lumayo at nagsimula ng payapang buhay. Pero parang iba ang ihip ng hangin sa buhay ni Norman. Mas pinili niya marahil na maghiganti. Namayani ang poot sa puso niya.

Kung susuriin natin ang suicide bomber na Pinoy ay sumunod sa dikta ng teroristang buhay, kung saan idinidikta ang pagpapakamatay. Nakakalungkot na umabot sa ganito ang isa nating kababayan. Hindi ko lubos na maunawaan na kaya na palang maging ganito ng isang Pilipino. Hindi ko ma-imagine na nagsayang s’ya ng buhay para sa walang katuturan na paniniwala.

Maria Teresa N. Ancahan