Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakakataba ang hindi pagtulog ng tama

0 285

Madalas ka bang masungit, hilo, napapahilig sa pag-inom ng kape at pagkain ng junk food, at napapansin mo bang tumataba ka?

Maaaring kulang ka sa tulog! Bakit ka nga ba kinukulang sa tulog? Marami ka bang iniisip? May nararamdaman ka bang masakit, nangangati ka ba, o naiistress ka?

Ang sleep deprivation o kakulangan sa tulog ay maaaring makaapekto sa immune system o resistensya. Mas madaling magkasakit, sumasakit ang ulo at lumalabas ang mga taghiwayat. Apektado kasi ang hormones ng kakulangan ng tulog.

Hindi lang taghiwayat ang panlabas na problema. Namumula, namamaga at nagkakaroon ng maitim na bilog sa paligid ng mata at nagkaka-eye bags. Nagkakaroon din ng mas maraming kulubot ang balat, namamaga ang mukha at bumabagsak ang itsura. Maaari kasing nawawala na ang hormone control at pag-repair ng tissue na nangyayari lamang kapag natutulog ang isang tao.

Kaya naman nadadagdagan ang timbang, napapakain kasi ang kulang sa tulog. Hindi kasi nakokontrol ang ghrelin at leptin, ang mga hormones na nakakaapekto sa pakiramdam ng gutom.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang utak na kulang sa tulog ay maghahanap ng junk food. Nagkakaroon ka ng cravings na magdudulot ng kakulangan sa nutrisyon at pagtaba.

Napapakape rin ang kulang sa tulog. Dahil ito sa pakiramdam na inaantok ka pa rin sa panahong dapat ay gising na gising ka na at nagta-trabaho. Ang problema, palalain lang ng caffeine ng kape at soda ang iyong kakulangan sa tulog. Maaari kang magka-insomnia o hindi ka mapapakali.

Nagiging mas stressed at iritable rin ang hindi makatulog. Parang pagod din ang iyong isip.

Nalulungkot din ng husto ang di maganda ang tulog. At nawawala ang iyong konsentrasyon. Naranasan na ito ng anak ko noong panahong siya ay nagti-thesis. Dahil tatlong araw na di natutulog, pag-uwi nya habang nagda drive, ang pakiramdam daw nya ay lumulutang siya at diretso lang ang daan. Ang resulta, nabangga siya.

Masakit ang ulo, masakit na lalamunan at tuyong bibig ang resulta ng kulang sa tulog. Magpatingin na sa doktor kung hindi makatulog ng maayos. Baka kailangan mo ng therapy, gamot o gamit na makakatulong sa iyong maayos na pagtulog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.