Abante Tonite Interactive

Nakakulong na gang member natagpuang nakabigti

265

Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District – homicide section kung binigti o kusang nagbigti ang isang inmate na miyem­bro ng Sigue-sigue Sputnik na natagpuang nakabigti sa loob ng CR ng selda 11 at 12 kamakalawa ng gabi sa Manila City Jail (MCJ) sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PMSg. Bernardo Cayabyab, ng MPD-HS, ang biktimang si Julius.
Alas-sais ng gabi nang madiskubreng nakabitin ang biktima sa comfort room ng 11 at 12 sa Sputnik cell sa MCJ.

Huli umanong nakitang buhay si Julius habang kausap ang kinakasama hanggang sa naging malulungkutin na ito at hindi na nakakausap.

Nalaman din na hindi na umano kumain ng agahan at tanghalian ang biktima hanggang sa makita itong naka­bigti gamit ang isang jersey short pants.
Naisugod pa sa Infirmary Clinic si Julius subalit hindi na ito naisalba.
Inaalam ngayon ng pulisya kung may foul play sa insidente. ­(Juliet de Loza-Cudia)