Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakalabas ng bahay, 1-anyos durog sa trak

0 134

PATAY ang isang 1-anyos na batang babae matapos araruhin ng pick-up truck makaraang makalabas sa kanilang bahay at mapadpad sa kalsaba ng Barangay Bolaney, Alaminos City, Pangasinan noong Linggo.

Kinilala ng Alaminos City Police Station (ACPS) ang biktima na si Ced Joanne Agloro, ng nasabing barangay.

Ayon sa ACPS, nangyari ang insidente alas-2:02 ng hapon sa harap ng bahay ng mga Agloro.

Sinabi ng ACPS traffic bureau, abala ang mga kaanak ng biktima sa gawaing bahay nang hindi nila napansin na lumabas ng bahay ang paslit.

Pagpadpad sa kalsada, dito na siya nahagip ng isang Mitsubishi Strada na may plakang REV-217.

Minamaneho ito ni Glenn Gayap, 45, negosyante.

Hindi umano nakita ni Gayap ang bata kaya pumailalim ito at inararo ng sasakyan.

Isinugod ang biktima sa Alaminos Doctors’ Hospital ngunit namatay din sanhi ng grabeng pinsala sa mura. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.