Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nakalkal sa suka: Droga sa room ni Dacera positive

0 111

Mayroon umaong iligal na droga sa room 2009 kung saan naka-check in ang nasawing flight attendant na si Christine Dacera at kanyang mga kaibigan, ayon sa resulta ng pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon pa sa NBI, may gross negligence o kakulangan umano ang mga kaibigan ni Dacera na kasama nito nang matagpuan siyang walang malay sa banyo ng kanilang silid sa City Gardens Hotel, dahil sa paghihintay pa umano nila ng tatlong oras bago dalhin ang dalaga sa Makati Medical Center, ayon sa source.

“A witness told NBI he was offered by one of the friends of Dacera who was with her in room 2009, to partake the illegal substance, but declined,” sabi pa ng source.

Dagdag nito, hindi na umano mapatutunayan ang alegasyong ni-rape si Dacera dahil naproseso na ang kaniyang mga labi bago pa magsimula ang imbestigasyon ng NBI.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napagtibay pa umano ang pahayag ng witness nang may makuhang presensya ng iligal na droga mula sa nakuhang suka sa silid ng biktima.

“We cannot ascertained whose vomit residue was found, but it has residue of illegal substance,” sabi pa ng source.

Sinabi pa nito na maghahain ang NBI ng hiwalay ng kaso na hinain ng Philippine National Police.

Bukod sa mga nasa loob ng room 2009, maghahain din umano ng kaso laban sa nasabing hotel at sa mga nag-utos na iembalsamo ang bangkay ni Dacera nang walang presensya at paalam mula sa pamilya nito. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.