Abante Tonite Interactive

Nakalusot sa checkpoint! Brgy. volunteer niratrat ng tandem

630

Patay ang isang barangay volunteer nang pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek habang nagbabantay sa border ng kanilang compound sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Ronaldo Cumayas, 38, may asawa at naninirahan sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Sa report, dakong alas-11:00 ng gabi ay nagbabantay sa border ng kanilang compound ang biktima nang dumating ang apat na suspek at agad na pinagbabaril ang volunteer.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Nagtataka ang mga kaanak ng biktima kung paano nakalusot sa mga checkpoint sa lugar ang mga suspek na tandem.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na atraso, walang pending criminal case at walang kaaway sa kanilang lugar ang biktima.

Umaapela ngayon sa mga awtoridad ang mga kaanak ng biktima para mabigyan ng hustisya ang ginawang pagpatay sa nasabing volunteer ng barangay. (Dolly B. Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad