Abante Tonite Interactive

Nakamotor na titser patay sa bangga

317

Todas ang isang guro matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa isa pang mortorsiklo sa national road ng Barangay Dagupan, Luna sa lalawigan ng Apayao noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Clifford Jamoyo, guro ng Pudtol Vocational High School, sa nasabing lalawigan.

Nakilala naman ang driver ng isa pang motorsiklo na si Andres Iddig, construction worker, ng Doña Loreta, Pudtol, Apayao.

Batay sa report ng Luna Police Station (LPS), patungo sana si Jamoyo sa Luna, Apayao nang nakasalubong nito ang humahagibis na motorsiklo na minamaneho ni Iddig mula sa kabilang linya ng kalsada.

Ayon sa LPS, inagaw ni Iddig ang linya ni Jamoyo na nagresulta sa banggaan ng dalawang motorsiklo at pagkakasugat ng dalawang rider.

Agad na isinugod sa ospital ang dalawang rider ngunit dineklarang dead-on-arrival si Jamoyo habang nakaratay sa pagamutan si Iddig. (Allan Bergonia)